Pagpalalakas ng defense cooperation sa Japan, suportado ng AFP

Pagpalalakas ng defense cooperation sa Japan, suportado ng AFP

NAGPAHAYAG ng suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpalalakas ng defense cooperation sa Japan.

Ito’y kasunod ng pagbisita ni Acquisition, Technology, and Logistics Agency (ATLA) Commissioner Tsuchimoto Hideki sa AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Pinasalamatan ni AFP chief of staff General Andres Centino ang Japan sa tulong sa AFP modernization at capability upgrade program.

Nasasabik aniya ang AFP na makipagtulungan sa gobyerno ng Japan upang higit na mapabuti ang seguridad at defense relations sa gitna ng kasalukuyang mga hamon.

Iginiit naman ni Tsuchimoto na naghahanap sila ng mga paraan upang palakasin ang defense equipment at technology cooperation sa iba pang mga bansa kabilang sa Pilipinas upang itaguyod ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter