Pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat, libre para sa residente at taga labas ng probinsiya

Pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat, libre para sa residente at taga labas ng probinsiya

LIBRE ang pagpapagamot hindi lamang ng mga taga Sultan Kudarat, kundi maging sa mga taga labas ng probinsiya.

Ang ospital ay isang level 2 accredited facility na kayang magsagawa ng major operations.

Ayon sa management, prayoridad ng provincial government ang programang pangkalusugan.

“Actually ang ating provincial government ay gustong mag-excel talaga kahit sa mga structure natin,” ayon kay Dr. Rex Lamprea, OIC, Medical Center Chief.

Mahigit sa 300 ang kama para sa mga pasyente.

Ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, libre ang pagpapa-ospital sa Sultan Kudarat.

“Ibig sabihin po nito, ang professional fee ng ating mga doktor, ang mga medisina at ng inyong natatanggap na mga medical services ay 100% libre dito sa Sultan Kudarat Provincial Hospital,” ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.

Ang matindi, kahit mga taga labas ng probinsya ay libre din.

Naging posible ito sa zero billing policy ng probinsiya.

 “Taga Sultan Kudarat man kayo o taga labas, wala pong problema. Wala po kayong babayaran. Kapag kayo po ay nagkasakit, kahit kayo po ay outpatient lamang po dito wala pong babayaran. Kasi ang aming pamumuno dito ay dapat maibigay natin sa ating mga kababayan ang lahat lahat ng kaya nating ibigay,” dagdag ni Mangudadatu.

Malaking budget ng provincial government ay napupunta sa health programs kaya may ganitong programa.

“Itong hospital na ito ay marami pong natutulungan, kaya shukran po sa ating mahal na gobernador,” ayon kay Sarpia Kandugan, Pasyente.

“Oo, libre po lahat, wala po kaming mababayaran ni piso,” ayon kay Rohaida Kansay, Pasyente.

May private rooms din na bubuksan para sa mga pasyente.

Ayon naman kay Gov. Mangudadatu, handa na para sa medical tourism ang kanilang lugar.

Ito rin ang sinabi niya sa pagbisita kamakailan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa Sultan Kudarat.

 “Actually, our hospital is a level 2 hospital and by next year, we’ll be applying for a third-level accreditation. So, ibig sabihin pag nag-level 2 ka, meron tayong surgery, major surgeries like laparascopic surgery, X-lab, lahat po ng surgery ay nandito na sa atin except na lang po yung neuro surgery,” ani Dr. Lamprea.

Sultan Kudarat, handa na para sa medical tourism—Gov. Mangudadatu

“We are very happy na nakita niya that this hospital is really for medical tourism. There are many equipment na meron na po tayo dito na wala sa ibang hospital. And, I’m happy to announce that we will be having our own MRI, pet scan, meron po tayong 128 slides ng CT scan at marami pang iba. And as of now, our directive is still remain. ‘Yan po ay libre pa rin sa ating mga kababayan,” ani Mangudadatu.

Follow SMNI NEWS in Twitter