MALINAW na pagsupil sa interes ng bansa at mga Pilipino ang pag-take down ng YouTube channel ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon ito kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.
Kamakailan lang nang nangyari ang pangti-take down sa channel ng butihing Pastor at dahil umano ito sa paglabag sa community guidelines.
Mababatid naman na ang YouTube account ni Pastor Apollo ay naglalaman ng mga spiritual doctrine ng The Kingdom of Jesus Christ maging ng mga usapin nga para sa interes ng bansa at walang kalaswaan o karahasan na maaaring maging rason para lumabag sa community standard.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Roque na ang magiging fact checkers ay hindi sana bias o walang pinapanigan.
Sa ngayon, pawang tutol sa gobyerno ang ginagamit na fact checkers.