NANINIWALA si Political Science Prof. Antonio Contreras na isang paglabag sa malayang pagpili at integridad ng eleksyon ang pagpapa-withdraw sa kapwa nilang kandidato.
Ani Contreras, nakapag-desisyon na ang mga tao at kaunti na lamang ang oras para manawagan pa ang mga kandidato sa kapwa kandidato na mag-withdraw para makuha ang boto ng mga ito.
Sang-ayon rin si Contreras na maraming ayaw kay VP Leni dahil may isang survey na nagsasabi na nasa 45% ay ayaw itong iboto.
Saad pa ni Contreras, mas lamang pa rin si former Senator Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng tapunan ng putik.
Kahit aniya gusto nilang ipa-withdraw ang number 2 sa ranking, hindi pa rin nila mahahabol si BBM.
Mababatid na laging nangunguna si BBM sa lahat ng survey.