Pagpapaalis ng Pilipinas sa Chinese diplomats sa bansa, may masamang epekto—Chinese Foreign Ministry

Pagpapaalis ng Pilipinas sa Chinese diplomats sa bansa, may masamang epekto—Chinese Foreign Ministry

NAGBABALA ang Ministry of Foreign Affairs ng China hinggil sa pagpapaalis ng Pilipinas sa kanilang diplomats.

Tugon ito ng kanilang bansa sa panghihikayat ng Department of Defense at ng National Security Adviser na mai-expel ng Department of Foreign Affairs ang isang Chinese diplomat.

Hinggil ito sa umanoy iligal na pagsasagawa ng audio recording ng diplomat sa naging phone call nito noong May 7 sa pagitan ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines- Western Command.

Matatandaang tinalakay anila dito ng dalawa ang napaulat na bagong agreement hinggil sa pag-aagawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Minister Lin Jian, ang marahas na hakbang ay magdudulot lang ng pinsala sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter