Pagpapaayos ng mga eskwelahang nasira ng Bagyong Karding, aabot sa P1.17-B –DepEd

Pagpapaayos ng mga eskwelahang nasira ng Bagyong Karding, aabot sa P1.17-B –DepEd

TINATAYANG aabot sa P1.17 bilyon ang kinakailangan para sa pagpapaayos ng mga nasirang paaralan ng Super Typhoon Karding ayon sa Department of Education (DepEd).

Base kasi sa initial assessment ng Disaster Risk Reduction and Management Service ng DepEd, umabot na sa 165 eskwelahan ang nasira ng Bagyong Karding.

Umakyat naman sa 386 na silid-aralan ang ‘totally damaged.’

Pumalo naman sa 561 na paaralan ang ginamit bilang evacuation centers ng mga apektadong pamilya.

Sa nasabing bilang ng mga paaralan, 92 na lamang ang kasalukuyang ginagamit.

 

Follow SMNI News on Twitter