Pagpapababa ng underemployment sa bansa, patuloy na tututukan ng DOLE

Pagpapababa ng underemployment sa bansa, patuloy na tututukan ng DOLE

NAKAMIT ng bansa ang mababang record ng unemployment rate sa 3.1 % nitong Hunyo 2024 mula sa 4.1% noong Mayo.

Katumbas ito ng tinatayang 1.62 milyong walang trabaho noong Hunyo batay sa pinakahuling Labor Force Participation Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Pagmamalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE), ito ang pangalawang pinakamababang naitala mula noong Abril 2005.

Nagbunga rin sa Labor Force Survey, ang pagtaas sa 96.9% ng employment rate nitong Hunyo o katumbas ng 50.28 milyong Pilipinong may trabaho.

Mas mataas ito ng 1.44 million kumpara sa 48.84 million noong Hunyo 2023.

Welcome din sa DOLE ang 577,000 na bagong pasok o nakahanap na ng trabaho noong Hunyo 2024.

Tumaas ang labor force participation ng kababaihang manggagawa sa 346,000 taon-taon.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa kabila ng mga tagumpay, kinikilala ng DOLE ang agaran at patuloy na pangangailangan upang matugunan ang underemployment o mga manggagawang hindi napapasuweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan, na tumaas ng 208,000 year-on-year, katumbas ng 12.1% underemployment rate sa buong bansa noong Hunyo 2024.

Ang pagtaas na ito ay maaaring maiugnay sa seasonality ng pansamantalang mga trabaho.

“Ang nangyayari dahil lumaki ang na-absorb ng labor market hindi lahat nagkaroon ng tinatawag na full time job, some of them are full time some of them puwedeng less than 40 hours, ‘di kaya ninanais nilang magkaroon pa ng trabaho, in other words hindi lahat ay na-absorb na fully employed kaya nagkakaroon rin tayo ng increase doon sa number ng individuals na matatawag natin na underemployed,” ayon kay Usec. Claire Dennis Mapa, PHD, National Statistician and Civil Registrar General, PSA.

Patuloy rin na pinaiigting ng kagawaran ang pagsisikap na ipatupad ang National Employment Masterplan na lumikha at bumuo ng kalidad, regular at disenteng mga trabaho.

At upang matugunan ang alalahanin sa mas mataas na kalidad na mga trabaho, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOLE sa Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council na pinamumunuan ng NEDA.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble