Pagpapabagsak kay Pastor ACQ, may halong politika—VP Sara

Pagpapabagsak kay Pastor ACQ, may halong politika—VP Sara

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na dahil kaalyado ng mga Duterte si Pastor Apollo C. Quiboloy – kaya’t walang-tigil ang pangha-harass sa kaniya, sa KOJC at maging sa SMNI ng abusadong gobyerno ni Marcos Jr.

“Si Pastor Quiboloy kasi he suffers from… Ano bang tawag diyan? sabihin na natin na 2 poison arrows, unang-una ally siya ni former President Rodrigo Duterte, tumulong din siya sa kampanya ko noong ako ay tumakbong Vice President so merong angulo diyan na politika tapos meron din gusto siyang kunin ng US government, ‘yun naman hindi politika ‘yun. ‘Yun ‘yung related sa mga cases niya sa United States of America and I understand he is well represented by lawyers dun sa mga cases niya and even dito sa Pilipinas he is well represented by lawyers,” ayon kay Vice President Sara Duterte.

Hindi lingid sa kaalaman ng Bise Presidente ang ginagawang panggigipit at paninikil ng gobyernong Marcos Jr. kay Pastor Apollo.

Magdadalawang-buwan na nang gamitan ng labis na puwersa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at  Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) ang sana’y pagsisilbi lang ng warrant of arrest kay Pastor Apollo at sa lima pang kasama nito.

June 10, 2024 nang salakayin ng mga bayolenteng kapulisan ang mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Makikita sa video kung paanong pinagmalupitan ng mga alagad umano ng batas ang mga walang kalaban-labang kabataan, kababaihan, senior citizens at maging mga miyembro ng indigenous group.

VP Sara, may payo para sa KOJC members

Dahil dito may payo si Vice President Sara.

“Ang nag-implement kasi ng search warrant or warrant of arrest, may rules kasi ‘yan kung ano ang dapat gawin ng pulis kaya ang advice ko sa Kingdom of Jesus Christ ay paniguraduhin na kapag nag-implement ng search warrant, o warrant of arrest, meron doong abogado, or merong na brief ng abogado kung ano ‘yung rules of engagement sa implementation, lalong-lalo na doon sa side ng Philippine National Police, labas doon puwede nang magreklamo, o puwede nang maghain ng kaso ang abogado ng KOJC kung meron man ‘yung sinasabi na excessive use of force puwede na maghain ng reklamo ang abogado ng KOJC,” payo ni VP Sara.

Dagdag pa ng nakababatang Duterte – dapat na panatilihin ng KOJC members ang pagiging kalmado sa gitna ng ‘di kanais-nais na sitwasyon.

At sa kabila ng lantarang pang-aabuso ng gobyerno, hiling niya ang patuloy na pagrespeto ng misyonaryo ng simbahan sa umiiral na batas sa ating bansa.

“Sinasabihan ko ang mga kapatid mga kasamahan natin sa KOJC at pangalawa ‘yung ating mga kapatid, mga kaigsuonan ng Dabawenyo na kalma, kumalma lang, huwag silang lumaban, they do not resort to violence sa kanilang pakikipaglaban at para sa kanilang paniniwala at para sa tingin nila tama para sa bayan, kalma lang respetuhin natin ang batas, respetuhin natin ang gobyerno,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ni VP Sara noon na nararapat lamang mabigyan ng patas na pagdinig sa mga kinakaharap na kaso si Pastor Apollo C. Quiboloy na maliban sa panggigipit na nararanasan ng administrasyong Marcos ay may banta rin ito sa buhay mula sa Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble