Pagpapabakuna, walang pilitan; puwedeng pumili ng brand- Roque

WALANG pilitan sa pagpapabakuna ayon sa inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa regular press briefing ng Malacañang.

Ani Roque, ito ay para sa mga vulnerable individual na nakalista sa mga unang babakunahan ngunit hindi papayag.

“Wala pong pilitan. Kung ikaw ay nasa Number 1 sa priority list at pumirma ka ng waiver na ayaw mong magpabakuna dahil inaantay mo pa ang gusto mong brand, puwede po ‘yan kaya nga lang po, mahuhuli pagdating sa pila,” ayon kay Roque.

Paglilinaw ni Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagsabi na hindi pipilitin ang mga Pilipino na hindi magpapabakuna.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.