Pagpapabawi sa medical license ni Usec. Lorraine Badoy, tinawanan lang

Pagpapabawi sa medical license ni Usec. Lorraine Badoy, tinawanan lang

TINAWANAN lang ni NTF-ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy ang pagpapabawi ng militanteng grupo na mga health worker sa kanyang medical license bilang doktor.

Ito ay dahil sa umano’y pangre-red tagged ng opisyal sa kanyang mga kapwa manggagamot.

Sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI, binigyang-diin ni Badoy na hindi siya takot sa mga ito dahil mismong ang sariling buhay niya ay kanya nang inalay sa bansa.

Kinuwestyon pa ni Badoy ang mga makakaliwang grupo na nagreklamo kung alam nga ba nila ang kahulugan ng red-tagging na gawa-gawa lamang ng CPP-NPA-NDF.

Iginiit din ni Badoy na ang mga kabataan na siyang tinatarget ng makakaliwang grupo para i-recruit sa rebeldeng kilusan ang dahilan sa red-tagging na propagandang ito laban sa gobyerno.

Muling iginiit ni Usec. Badoy na hindi mapipigilan ng mga makakaliwang grupo o ng mismong CPP-NPA-NDF ang paghahayag ng gobyerno sa kanilang mga kabulastugan.

Follow SMNI NEWS in Twitter