Pagpapabitiw sa mga gabinete ni Marcos Jr. may kinalaman sa mababang resulta sa halalan

Pagpapabitiw sa mga gabinete ni Marcos Jr. may kinalaman sa mababang resulta sa halalan

MAY malaking kinalaman sa resulta sa katatapos na midterm elections ang ginawang pagpapabitiw ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kaniyang mga gabinete.

Ayon ito sa retired general ng Armed Forces of the Philippines-Reserve Force na si Atty. Virgilio Garcia.

Sa kaniyang paliwanag, madalas na maganda ang suporta sa mga iniindorsong kandidato kung popular ang isang pangulo ng bansa.

Ngunit sa nangyaring halalan ay iilan lamang ang nakapasok taliwas sa kanilang sinabing landslide victory.

Samantala, para kay Garcia, may malaking epekto din ang performance ng kaniyang mga gabinete kaya bumagsak ang rating ng pangulo.

Ilang nga sa nabanggit ni Garcia ay ang Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, National Security, at Department of Defense kung saan ang mga ito ay sangkot sa ilegal na pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble