Pagpapabuti ng serbisyong-medikal para sa mahihirap, nais tutukan ng H.E.L.P. Pilipinas sa Kongreso

Pagpapabuti ng serbisyong-medikal para sa mahihirap, nais tutukan ng H.E.L.P. Pilipinas sa Kongreso

MULA Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, aktibong nagbibigay ng libreng serbisyong-medikal ang H.E.L.P. Pilipinas Partylist, katuwang ang iba’t ibang sektor upang matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad.

Ayon kay Dr. Mildred Vitangcol, First Nominee ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist, matagal na niyang ginagawa bilang isang doktor ang maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga kababayan. Inihayag niya na patuloy ang kanilang misyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga walang akses sa mga serbisyong medikal.

Sama-samang pagtulong para sa mas malusog na bayan

“Hindi natin kayang isara ang ating mga mata at tainga sa mga hinaing ng ating mga kababayan. Kung saan kami pumupunta, may mga tao talagang nangangailangan ng tulong sa kalusugan,” ani Dr. Mildred Vitangcol, First Nominee ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist.

Ayon pa sa kaniya, hangad ng grupo na magkaroon ng isang pangmatagalang solusyon para sa kalusugan ng bawat Pilipino, upang hindi na kailangang maghintay ng matagal o pumila sa mga medical mission.

Suportado ng mga rotarian at eksperto sa kalusugan

Si Atty. Modesto Lacambra Jr., isang rotarian at tagasuporta ng H.E.L.P. Pilipinas, ay nagpahayag ng kaniyang suporta sa layunin ng grupo. Ayon sa kaniya, mahalaga ang papel ng H.E.L.P. Pilipinas sa pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan sa bansa, at malaki ang tulong na maibibigay ng kanilang mga eksperto, tulad ni Dr. Vitangcol, upang lutasin ang mga isyu ng kalusugan.

Dagdag pa ni Dr. Joseph Manapsal, isang eksperto sa public health, kilala si Dr. Vitangcol sa larangan ng public health at mahusay sa pamamahala, na mahalaga sa pagsusulong ng mga batas para sa kalusugan at kaunlaran ng bansa.

Isang tapat na pagsisilbi sa bayan

Ayon kay Atty. Lacambra, ang H.E.L.P. Pilipinas Partylist ay hindi nabibilang sa mga tradisyunal na politiko. Ang mga miyembro ng grupo ay tunay na tagapaglingkod-bayan at mga advocate ng humanitarian services, kaya’t masigasig nilang tinutulungan ang mga kababayan, kasama ang mga civic organizations at philanthropic groups.

Pagtakbo sa Kongreso: Mas malaki ang maaaring magawa

Sa kanilang layunin na maglingkod sa Kongreso, naniniwala ang H.E.L.P. Pilipinas Partylist na makakamtan pa nila ang mas malaking pagbabago at solusyon para sa sektor ng kalusugan, partikular na sa mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter