SUPORTADO ng overseas Filipino workers (OFWs) Party-list ang pagpapabuti ng temporary shelter para sa Pilipino sa Kuwait.
Tiniyak ni OFW Party-list Rep. Marissa del Mar Magsino na susuportahan ng kaniyang tanggapan ang pagpapabuti sa temporary shelter para sa mga Pinoy workers na nasa Kuwait.
Hindi pa malinaw kung hanggang kailan mananatili ang suspensiyon ng entry at work ng visa ng mga Pilipino sa Kuwait.
Sa pinagsanib na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) kaugnay sa bilateral talks kasama ng Kuwait government noong Mayo 16-17.
Ipinaliwanag ng delegasyon na ang lahat ng mga aksiyon na ginawa ng embahada at ng pamahalaan ng Pilipinas ay para lamang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa Kuwait.
Ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayang Pilipino roon ay isang matatag na tungkulin ng consular offices sa ilalim ng international law at conventions.
Sa pormal na pag-uusap, ipinahayag din ng delegasyon ng Pilipinas ang buong paggalang nito sa mga batas ng Kuwait at malalim na pagpapahalaga sa mabuting pakikitungo ng gobyerno ng Kuwait sa mahigit 200-K manggagawang Pilipino sa Kuwait
Matatandaan, una nang inihayag ng DFA na isa sa nakikitang dahilan ng pagkansela ng entry at work visa ng gobyerno ng Kuwait sa mga Pilipino ay ang siksikan ng pansamantalang tirahan sa Kuwait na isa sa umanong paglabag ng Pilipinas sa bilateral agreement.
Pero sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Magsino tutulong ito para masolusyunan ang problema sa Bahay Kalinga.
Aniya sa susunod na budget deliberation, susuportahan ng mambabatas ang pagpapahusay sa mga tirahan.
Susuportahan aniya nito ang pagkakaroon ng pagpapahusay ng Bahay Kalinga para sa mga OFW sa Kuwait.
Ang naturang pahayag ay kasunod sa isinagawang pagpupulong ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasama ng Commission on Elections (COMELEC), DFA, DMW, at iba pang stakeholders na isinagawa sa OFW Tulong at Serbisyo Center sa lungsod ng Parañaque, araw ng Huwebes.
Electronic voting para sa mga OFW, isinusulong ng isang mambabatas
Para sa konsultasyon at ikabubuti sa isinusulong ni Rep. Magsino ng House Bill 6770 para payagan ang mga OFWs at mga seafarers na mag-register, makatanggap ng balota at bumoto sa pamamagitan ng magagamit na electronic gadget.