Pagpapabuti sa sektor ng transportasyon, prayoridad ng PDP 2023-2028 –DOTr

Pagpapabuti sa sektor ng transportasyon, prayoridad ng PDP 2023-2028 –DOTr

PRAYORIDAD sa Philippine Development Plan (PDP) 2023 hanggang 2028 ang pagpapabuti sa sektor ng transportasyon, +ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ito ay matapos maaprubahan ang PDP ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kamakailan kung saan ito ay magsisilbing blueprint para sa social at economic development sa susunod na 6 na taon.

Ayon sa DOTr, upang maisakatuparan ang mga planong pagpapabuti sa sektor ng transportasyon, kinakailangang magpapatupad ng mga estratehiya ang DOTr gaya ng pagtatayo ng active transport infrastructure gaya ng bike-only roads, shade trees, widened sidewalks, at iba pa.

Kabilang din sa plano ang pagpapaganda sa mass transport systems at pagpapalawak sa mga pantalan at pagtatayo pa ng mga paliparan upang mas maraming mga pasahero ang maserbisyuhan.

Tiniyak naman ng DOTr na patuloy nitong isusulong na magkaroon ng ligtas, makabago, maayos, at accessible na mass transport system sa bansa na laman ng PDP 2023-2028 ng NEDA.

Follow SMNI NEWS in Twitter