Pagpapadala kay FPRRD sa ICC matinding pagtataksil—Sen. Bato

Pagpapadala kay FPRRD sa ICC matinding pagtataksil—Sen. Bato

MATINDING pagtataksil kung ilarawan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang ginawa ng administrasyon ni BBM kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito’y matapos arestuhin at dalhin sa Netherlands noong Marso 11, 2025 ang dating pangulo para harapin ang reklamong nakahain sa International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Ani Sen. Bato, napakalinaw sa kaniyang alaala nang sinabi ni BBM noong nag-usap sila sa Malakanyang na hinding-hindi siya makikipagtulungan sa ICC.

Sinabi pa aniya ni BBM noon na wala siyang dapat ikabahala para kay FPRRD.

Ang pag-aresto kamakailan kay FPRRD ay alinsunod sa kagustuhan ng ICC bilang tugon sa reklamong may extrajudicial killings umanong nangyari nang ipatupad ang “Drug War” campaign ng dating Pangulo.

Samantala, si Sen. Cynthia Villar ay hindi rin sang-ayon sa pagpadala kay FPRRD sa mga banyaga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble