SA panayam ng SMNI News, ibinahagi ni Dr. Christopher Ryan Maboloc, isang propesor ng pilosopiya at may-akda ng Radical Democracy in the Time of Duterte, na tila may motibong politikal sa ginawang mabilisang pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).
“It’s actually political in terms of motive. Kasi pwede naman na they give the former president all the remedies, legal na remedyo na pwede ibigay sa kanya while nandito siya sa Pilipinas but the arrest was done in haste,” pahayag ni Dr. Christopher Ryan Maboloc, Philosophy Professor and Author of Radical Democracy in the Time of Duterte.
Ayon kay Dr. Maboloc, nagiging labanan na lamang ng mga naratibo ang sitwasyon kung kaya’t mahalagang suriin ang tunay na motibo ng administrasyon.
Aniya, tila hindi na ito usapin ng hustisya kundi isang hakbang na may bahid ng politika.
Dagdag pa nito, ang mabilisang aksiyon ng administrasyon ay maaaring pagdudahan, lalo na’t maaaring linawin ng Korte Suprema ang mga nakabinbing petisyon kaugnay ng kaso.
Subalit dahil sa agarang pagpapadala kay Duterte sa ICC, posibleng mawalan ng saysay ang magiging desisyon ng Mataas na Hukuman.
“However, kung ating pakikinggan ang mga nabanggit nila sa hearing sa Senado yesterday, it was obvious na minadali nila and ang mangyayari nito is parang na-deny ang justice sa dating presidente because walang jurisdiction ang ating Korte Suprema kung ano man ang magiging decision ito, magiging moot pagdating doon sa ICC,” ani Maboloc.
Para sa kaniya, malinaw na ang ICC ay isang court of last resort batay sa Rome Statute, na dapat lamang gumana kung may kabiguan sa sistemang panghustisya ng isang bansa.
Dahil sa pangyayaring ito, maaaring ituring umano na mahina ang Pilipinas sa mata ng mundo.
“So itong question as regard to the 19 and the 24 cases they are working on para maging basihan ng crimes against humanity versus President Duterte, parang sa tingin ko it’s kind of preposterous kasi may mas marami pang napatay kung titingnan natin ang history sa bansa natin even during the time of ang Ampatuan ng massacre 58, pardon me for citing it ang napatay but these cases were resolved here,” aniya.
Dapat sanang hinintay ang desisyon ng Korte Suprema bago ipadala si Duterte sa The Hague.
Sa huli, iginiit ni Dr. Maboloc na dapat ay pinag-isipan nang mabuti ang hakbang na ito.
Ang nangyari aniya ay nagpapatunay na may isyu sa tunay na motibo ng administrasyon sa pagmamadaling ipadala ang dating Pangulo sa ICC.
Follow SMNI News on Rumble