KUWESTIYUNABLE para kay dating Presidential spokesperson Harry Roque kung bakit sa Pilipinas pa iproproseso ang Afghan refugees na sa Estados Unidos naman ito nagtratrabaho.
Bagamat nagtatanong ay may paliwanag si Roque hinggil dito kung bakit idinaan pa sa Pilipinas.
Aniya, mismong ang Estados Unidos nga naman ay hindi tumatanggap ng asylum seekers.
Ayon pa kay Roque, idadaan pa sa hukuman ng Estados Unidos ang refugees bago pa ito matanggap sa bansa.
Nilinaw ni Roque na hindi siya tutol na tumanggap ng refugees ang bansa subalit kung ang mga ipadadala nga lang naman ay pawang nagsisilbi sa mga Amerikano, bakit hindi na lang idiretso ang punta doon.
Sinasabing 50-k ang ipadadalang Afghan refugees sa Pilipinas at ang Estados Unidos ang gagastos sa lahat ng mga pangangailangan nito habang nasa bansa.
Sinabi rin ni Philippine Ambassador to the Philippines Babes Romualdez, hindi talaga mga refugee ang mga ito subalit mga Afghan na nagtratrabaho para sa mga Amerikano.