Pagpapahirap sa OFWs sa panahon ng delay at kanselasyon ng flights sa paliparan, hindi na dapat hayaan—OFW Party-list

Pagpapahirap sa OFWs sa panahon ng delay at kanselasyon ng flights sa paliparan, hindi na dapat hayaan—OFW Party-list

INIHAYAG ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino, napapanahon nang magtayo ng OFW Lounge sa mga International Airport sa bansa.

Ang naturang pahayag ng mambabatas ay kasunod sa isinusulong nitong House Resolution 1305 kung saan hinihikayat nito ang angkop na komite na magsagawa ng pagdinig upang alamin kung paano maisasakatuparan ang OFW Lounge.

Hindi na rin hahayaan ni Magsino na nakikitang walang sapat na magandang paglalagyan ang mga OFW sa mga paliparan sa bansa kung ito ay nakararanas ng kanselasyon o delay ng kanilang flight.

Ipinunto ni Magsino na ang mga OFW ay kinakailangang sumailalim sa mas maagang check-in procedure.

Kaya naman kailangan na mayroon silang komportableng holding area kung saan sila maaaring mamahinga habang hinihintay ang flight.

‘‘Yes we have file po an OFW Lounge’’ ayon kay Rep. Magsino.

Ayon din sa kongresista, kinausap na nito ang Department of Transportation (DOTr) para maisakatuparan ang naturang lounge.

Sa kasalukuyan, mayroong pitong operational international airports sa Pilipinas na maaaring dumaan ang mga outbound at inbound na OFW.

August 2021 nang buksan ng New Clark International Airport ang kanilang OFW Lounge, may plano na rin ang NAIA Terminal 3 para dito ngunit wala pang timeline ng implementasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter