Pagpapaigting ng ugnayan ng national gov’t sa barangay level vs iligal na droga, nagustuhan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Pagpapaigting ng ugnayan ng national gov’t sa barangay level vs iligal na droga, nagustuhan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

PABOR si Pastor Apollo C. Quiboloy, Honorary chairman ng SMNI kasunod ng panukalang gawing katuwang ng pamahalaan ang lahat ng barangay sa bansa para sugpuin ang problema ng iligal na droga.

Sa pangunguna ni DILG Secretary Benhur Abalos, iminungkahi nito ang pakikipag ugnayan ng national government sa mga pinakamaliliit na komunidad sa bansa.

Pinayuhan din nito na huwag matakot magsumbong at agad na ipagbigay alam ang mga iregularidad na nangyayari sa bawat lugar lalo na sa malawak na aktibidad ng ipinagbabawal na gamot.

Naniniwala ang butihing Pastor, na sa likod ng matapang na programa ng alinmang pamahalaan para labanan ang iligal na droga kung hindi makikipag isa ang publiko, mababalewala lamang aniya ito at mananaig ang kasamaan sa bansa. Bagay na hindi aniya dapat na mangyari ito.

Samantala, sang ayon din si Pastor Apollo sa bagong mandato ngayon ng Philippine National Police sa pagpapalakas ng ugnayan ng ahensiya sa mga lider ng simbahan at iba pang pribadong religious sectors para makatulong sa mabilis na rehabilitasyon ng mga indibidwal na apektado ng ipinagbabawal na gamot.

Giit ni Pastor Apollo, hindi ito malayo sa mga ginagawa ng Kingdom of Jesus Christ na maging bahagi ang mga kabataan sa mga humanitarian efforts nito para maiwaksi ang mga bisyo at masasamang kaugalian hanggang tuluyan mailapit ito sa Panginoon.

Follow SMNI NEWS in Twitter