Pagpapalabas ng dagdag na P5-B para sa 4Ps, inaprubahan ng DBM

Pagpapalabas ng dagdag na P5-B para sa 4Ps, inaprubahan ng DBM

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang P5-B pondo para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng DSWD.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, layon ng pagpapalabas ng dagdag-pondo na maibsan ang epekto ng inflation sa mga mahihirap na pamilya.

Ang naaprubahang pondo ay kukunin mula sa 2023 budget kung saan ang makikinabang dito ay ang tinatayang halos 704,000 na 4Ps beneficiaries na nasuspinde o na-deactivate at natanggal sa listahan.

Binigyang-diin ni Pangandaman na sa pamamagitan ng alokasyong ito, maipagpapatuloy ng DSWD ang mahalagang tungkulin nito nang walang pagkaantala.

Ang 4Ps ay nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble