Pagpapalabas ng FBI wanted poster kay Pastor Quiboloy, hindi coincidence – Atty. Topacio

Pagpapalabas ng FBI wanted poster kay Pastor Quiboloy, hindi coincidence – Atty. Topacio

MULING iginiit ng legal counsel ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi coincidence o nagkataon lamang ang pagpapalabas ng wanted poster ng Federal Bureau of Investigation (FBI) laban sa butihing Pastor.

Ito’y kasunod ng pahayag na pagtanggi ng Amerika sa pamamagitan ng statement ng Embahada ng Estados Unidos dito sa Pilipinas ang sinabi ni Topacio kamakailan lang na timing ang paglabas ng wanted poster sa napabalitang pag-endorso ni Pastor Apollo sa BBM-Sara tandem.

Sa panayam ng SMNI News, ipinunto ni Topacio na ang haba ng panahon para ilabas ang nasabing isyu ngunit isinabay pa talaga ito matapos ipanalangin ng butihing pastor ang Mahalin Natin ang Pilipinas Ride ni Vice-Presidential Candidate Mayor Inday Sara Duterte.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Topacio na idineklara na ng Supreme Court (SC) na unconstitutional o labag sa batas ang Department Order 41 ng Department of Justice (DOJ) na nagbibigay ng kapangyarihan na maglabas ng Hold Departure Order (HDO).

Ang tanging mailalabas lamang aniya ng DOJ ay ang lookout bulletin ngunit hindi maaaring pigilin ang pag-alis ng taong inilalagay din dito dahil para lamang ito sa monitoring.

Binigyang-diin din ni Topacio na ‘moot and academic’ ang nasabing kautusan dahil hindi naman nagtatago o tumatakas ang butihing Pastor.

Samantala, nilinaw naman na wala pang inendorsong kandidato si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa nalalapit na halalan.

 

Follow SMNI News on Twitter