TINALAKAY nina Vice President Sara Duterte at Ambassador of the French Republic to the Philippines Marie Fontanel ang pagpapalago ng bilateral relations ng Pilipinas at France.
Sa pagbisita ng French Ambassador sa Office of the Vice President (OVP) sa Mandaluyong City, pinag-usapan nina VP Sara at Fontanel ang mga paraan kung paano mas mapalalim ang relasyon ng dalawang bansa.
Ipinaabot naman ng pangalawang pangulo sa bansang France ang kaniyang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng 2024 Olympic at Paralympic Games.
Matatandaan na nakamit ng mga atletang Pilipino ang mga medalya sa nagdaang Olympics kabilang na ang dalawang ginto ni Carlos Yulo.