Pagpapalakas ng karapatan at kapakanan ng mga OFW sa Sweden, tinalakay ng DMW at DFA

Pagpapalakas ng karapatan at kapakanan ng mga OFW sa Sweden, tinalakay ng DMW at DFA

TINALAKAY ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga hakbang para sa pagpapalakas ng karapatan at kapakanan ng mga OFWs sa Sweden.

Ang pulong ay pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kasama si Foreign Affairs Assistant Secretary at Ambassador-Designate ng Pilipinas sa Sweden na si Patrick Chuasoto.

Naganap ito ngayong Marso a-12 sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.

Parehong nagpahayag ng optimismo sina Cacdac at Chuasoto sa posibilidad ng mas malakas na suporta’t proteksyon para sa mga OFW sa Sweden. Isa sa mga pinag-uusapan ay ang pagbuo ng bilateral agreement na magtataguyod ng regular, etikal, maayos, at napapanatiling migration ng mga OFW, at ang pagtatayo ng isang Migrant Workers Office.

Pinuri rin ni Chuasoto ang patuloy na pagsisikap ng DMW, sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, sa pagsasanay at pagpapahusay ng mga kasanayan ng mga manggagawang Pilipino.

Layunin nitong magbigay ng mas marami at mas magagandang oportunidad para sa mga OFW, sa loob at labas ng bansa.

Sa kasalukuyan, walang umiiral na bilateral labor agreement ang DMW sa Sweden.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble