KAILANGAN pa ring mapalakas ang local production ng agri products para masolusyonan ang mataas na presyo ng bilihin.
Ito ang sinabi ni Wilson Lee Flores, isang geopolitical analyst at may-ari ng Kamuning Bakery-Cafe Quezon City sa panayam ng SMNI News.
Subalit binigyang-diin niya na hindi siya tutol sa importasyon dahil isa itong madaling paraan para mapababa ang presyo ng mga bilihin gaya na lang ng asukal na isang importanteng sangkap sa paggawa ng tinapay.
Kamakailan lang ay inaprubahan ng Sugar Regulatory Board ang pag-angkat ng 440k metric tons na asukal.
Magugunitang simula nitong February 14 ay epektibo na ang pagtaas ng Pinoy Tasty Bread.