INATASAN ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang kanilang presensya sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay kasunod ng mga ulat na may namonitor na mga aktibidad ang China malapit sa Pag-asa Island.
Sa isang pahayag, sinabi ng DND na ang anumang panghihimasok sa WPS o reclamation sa mga katangian nito ay banta sa seguridad ng Pag-asa Island na bahagi ng sovereign territory sa Pilipinas.
Ayon pa sa ahensya, inilalagay rin nito sa panganib ang marine environment at pinapahina ang stability ng rehiyon.
Nanawagan din ang DND sa China na sundin ang umiiral na international order at iwasan ang aggravating tensions sa WPS at South China Sea.
Batay sa ulat ng Bloomberg, may isinasagawang bagong konstruksyon at reclamation na apat na “unoccupied land features” sa Spratlys na mariing itinanggi naman ng China.