Pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at US, tinalakay ng military officials

Pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at US, tinalakay ng military officials

NAG-courtesy call si US Marine Corps Forces Pacific commander Lieutenant General William Jurney sa headquarters ng Philippine Navy ngayong araw.

Mainit siyang tinanggap ni Major General Jonas Lumawag.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Gayundin ang pagkilala at pagbibigay-galang sa mga beterano ng digmaan.

Pinasalamatan naman ni General Lumawag si General Jurney sa patuloy na suporta sa modernisasyon ng Philippine Navy at Philippine Marines Corps.

Follow SMNI NEWS in Twitter