Pagpapalakas sa kapabilidad ng mga security guard, hinimok ng PNP-SOSIA

Pagpapalakas sa kapabilidad ng mga security guard, hinimok ng PNP-SOSIA

DAPAT na pagtuunan ng pansin ng mga may-ari ng establisyemento ang pagpapalakas sa kapabilidad ng mga security guard.

Ito ang iginiit ni PNP SOSIA director Police Brigadier General Gregory Bogñalbal bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad ng publiko.

Ayon kay Bogñalbal, madalas napag-uusapan sa kanilang stakeholders meeting ang capability enhancement ng mga security guard.

Kung may sapat aniyang kagamitan ang mga security guard ay epektibo nilang magagampanan ang kanilang tungkulin.

Nauna nang ipinaalala ng PNP SOSIA na ipinagbabawal nila ang ibang trabaho ng mga security guard na labas sa kanilang tungkulin kasama na ang pagiging utility, parking attendant, service crew at janitor.

Layunin nitong matutukan ng mga security guard ang pagbibigay ng seguridad sa publiko habang nasa loob ng mga establisyemento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble