IMINUNGKAHI ng isang transportation group na magkaroon na rin ng busway gaya ng sa EDSA sa iba pang pangunahing daanan sa National Capital Region (NCR).
Halimbawa sa mga pangunahing daanan ay ang Quezon Avenue at Ortigas Avenue Extension.
Ang busway ay nakatutulong ayon sa Altmobility PH para mas mapabilis at mas mapadali na pagbiyahe ng commuters.
Ibig sabihin na rin nito ay hindi sila sang-ayon sa mungkahi ng iba na tanggalin ang EDSA Busway dahil nakukumpromiso na ang pagbiyahe ng publiko.