HANGAD ni Pastor Apollo C. Quiboloy na gawing mas abot-kamay ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawak ng health facilities sa buong bansa.
Batay sa 2024 Health Care Index by Country, ang Pilipinas ay nasa ika-41 na pwesto pagdating sa kalidad ng serbisyong pangkalusugan.
Ito ay mas mababa kumpara sa maraming mga mauunlad na bansa, na nagpapakita ng patuloy na hamon sa sistemang pangkalusugan ng bansa tulald ng access sa mga serbisyo at kakulangan ng imprastruktura.
Bagamat may mga umiiral nang batas tulad ng Universal Health Care Act na nakatutok para sa pagpapabuti ng healthcare system sa Pillipinas, wala itong partikular na mandato ng pagpapalawak ng health facilities o pagtatayo ng mga bagong ospital o pasilidad.
Bilang tugon, nais isulong ni Pastor Quiboloy ang Health Facilities Expansion Bill na naglalayong magtayo ng karagdagang healthcare facilities lalo na sa mga mahihirap na komunidad.
Sa ilalim ng panukalang batas na ito, maglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa Mobile Health Services Program tulad ng Mobile Clinic, Mobile Pharmacy at Mobile nutrition provider na mag-iikot sa iba’t ibang barangay upang magbigay ng serbisyong medial, gamot at check-up.
Sa pamamagitan nito, mas magiging malawak na ang access at mabilis ang tugon sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
‘’Si Pastor mismo ang bubuo o papasa ng bills na ito para yung budget na instead na naconvert, binigay sa national treasury dapat i-spend sa tama walang dapat malversation of funds. Si pastor ang magiging boses ng taumbayan lalo na po ng class D and E na naghihirap,’’ ayon kay Atty. Kaye Laurente.
Naniniwala si Pastor Quiboloy na ang kalusugan ay karapatang pantao at kailangang gawing mas abot-kamay ang serbisyong medikal sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang estado sa buhay.