SA pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) nitong Lunes, pinalawig pa sa 10 araw ang contempt order laban sa chief of staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez.
Ito ay matapos pinagbigyan ng House Blue Ribbon Committee ang mosyon ng convicted child abuser at ACT Teachers Representative France Castro.
Nitong Lunes sana magtatapos ang 5-day contempt order laban kay Lopez.
Kiniwestiyon ni VP Sara ang nasabing desisyon sa komite na aniya ay ilegal.
“You need to reconsider that extension of detention. It was illegal in the first place. You ask the president why he accepted the resignation. Do not ask due process,” ayon kay Vice President Sara Duterte.
“I think the proper remedy is for you to go to the court,” saad ni Congressman Romeo Acop.
“I will go to the court pero araw-araw you are depriving the person of her liberty. While I wait,” giit ng Bise Presidente.
“Do you really want to show the Filipino people kung ano ang kaalaman niyo sa batas?” dagdag pa ni VP Sara.
“Ang sinasabi ko lang po ay sundin po natin ‘yung batas,” ani Acop.
“Kaya nga sir. Sundin natin ‘yung batas. Why will you penalize, punish Usec. Lopez for an act of the president?” ani VP Sara.
Inaasahan ani VP Sara na marami pa sa mga empleyado ng kaniyang tanggapan ang ico-contempt ng mga kongresista.
“We expect contempt, detention. We expect ang term ni Usec. Leika is terrorizing me. We expect them to terrorize the Office of the Vice President personnel,” ayon pa kay VP Sara.
Kasalukuyan pa ring nagpapagaling si Lopez sa VMMC.
OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta, kasalukuyang nagpapagaling sa VMMC
Bukod kay Lopez, nasa VMMC din si OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta.
Isinugod si Acosta sa emergency room ng nasabing ospital pasado alas sais ng gabi ng Lunes.
Tumaas kasi ang blood pressure ni Acosta sa kasagsagan ng pagtatanong ng ilang kongresista sa pagdinig.
Bago pa man siya itinakbo sa ospital ay inamin na nito sa hearing na siya ay nakaramdam na ng panginginig.
Naka-wheelchair si Acosta nang inilabas sa Kamara.
Matapos humarap sa nasabing pagdinig, bumalik din si Vice President Duterte sa Veterans Memorial Medical Center para samahan sina Lopez at Acosta.
12:54 na ng madaling araw natapos ang hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability o tumagal ng higit 14 na oras.
Sa pagkasuspinde ng pagdinig, naging emosyonal ang mga empleyado ng OVP.