KAHIT pinalawig na ang franchise consolidation kaugnay sa PUV modernization ay hindi pa rin naresolba ang mga hinaing ng PUV drivers at operators.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, ang pagkakaroon ng agarang consultation process kasama ang lahat ng stakeholders ang pinaka-susi nito.
Sabi ni Sen. Imee, hindi nakakatulong ang pagpapalawig ng franchise consolidation para matugunan ang mga isyung may kinalaman dito. Kahit nga raw may palugit o wala, hindi pa rin naman mapipilit ang mga driver na sumali kung hindi nabibigyang linaw ang proseso ng pagbili ng sasakyan.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, hanggang a-trenta ng Abril nalang ang huling araw ng franchise consolidation.
Kung hindi nga makakasali ang isang operator o driver sa consolidation ay hindi na sila papayagang bumiyahe pa.