Pagpapalawig sa term limits, tiyak hindi magtatagumpay sa plebesito –SP Sotto

Pagpapalawig sa term limits, tiyak hindi magtatagumpay sa plebesito –SP Sotto

NATITIYAK ni Senate President Tito Sotto III na matatalo sa plebesito ang panukalang baguhin ang term limits ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa panayam sa SMNI News, aniya kahit pa mailusot sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukala ay tiyak na tutulan ito ng taumbayan.

Reaksyon ito ni Sotto sa Resolution of Both Houses No. 7 ni Pampanga Rep. Dong Gonzales na layong bigyan ng dalawang  tig-limang taon ang termino ng Pangulo, ikalawang pangulo hanggang sa mga taga lokal na pamahalaan.

Ani Sotto, wala rin sa timing ang panukala dahil patapos na ang termino ni Pangulong Duterte.

“Pag-upo pa lang ng bagong presidente, i-file na nila yan. There will be plenty of time for debates and then there will be plenty of time for a plebiscite at tignan natin kung papayag ang taumbayan. Sayang lang oras, sayang pera,” pahayag ni Sotto.

Malabo rin aniya na magkaroon agad ng plebesito dahil wala ito sa 2022 national budget.

“There’s no time at all. Alisin mo na yung debate, alisin mo na ‘yung mga kokontra, wag na ‘yun wala na ‘yun. Palagay mo na ipasa na natin kaagad Martes o Miyerkules. Oh eh tanong ko nga kailan gagawin ang plebesito? May pera ba?” ani Sotto.

Follow SMNI News on Twitter