Pagpapaliban ng BSKE, maari nang tutukan ang pagbangon ng ekonomiya –Sen. Jinggoy

Pagpapaliban ng BSKE, maari nang tutukan ang pagbangon ng ekonomiya –Sen. Jinggoy

IKINATUWA ni Senador Jinggoy Estrada ang paglagda ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpapaliban ng Barangay at Sanguniang Kabataan Election (BSKE) ngayong Disyembre na gaganapin na sa susunod na taon.

Ayon kay Sen. Jinggoy, nasa kamay na ng ating mga national officials hanggang sa mga local government units (LGUs) ang mga hakbang para makaahon na tayo nang tuluyan dulot ng pandemya.

Tama lamang aniya ang isinagawang pagpapaliban ng halalan sa BSKE upang matutukan ang unti-unting pagbangon sa ekonomiya sa halip na maging abala sa paghahanda sa halalan.

Iginiit ng mambabatas na unahin muna ang pagbangon ng ekonomiya bago ang pagsasagawa muli ng eleksyon.

Aniya bagamat may sense of normalcy na, hindi pa rin tayo ganap na nakakabalik sa pre-pandemic na sitwasyon.

Mas makabubuti para kay Sen. Jinggoy na gamitin ang pondo para sa eleksyon sa mga makabuluhang programa ng administrasyon na nakapagbibigay ng trabaho o negosyo sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Follow SMNI NEWS in Twitter