Pagpapaliban sa BSKE, umani ng suporta mula sa ilang alkalde sa Visayas

Pagpapaliban sa BSKE, umani ng suporta mula sa ilang alkalde sa Visayas

MATAPOS magkaroon ng sponsorship sa Senado ang Senate Bill 1306 o ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections (BSKE) ngayong taon ay umani naman ito ng suporta mula sa ilang miyembro ng League of Municipal Mayors.

Sa nasabing panukala, sa halip na gawin ang nasabing halalan sa buwan ng Disyembre ngayong 2022 ay isasagawa na lamang ito sa ikalawang linggo ng buwan ng Disyembre 2023.

Sa kanyang sponsorship speech ay sinabi ni Senator Imee Marcos na una na niyang ipinangako sa nagdaang 18th Congress na ang batas ng panahon na yun ay ang huling pagpostpone ng BSKE, pero mayroon namang sapat na rason aniya para muli na namang i-postpone ang BSKE ngayong taon.

 “A quick review reveals that every barangay election since 1989 has been postponed resulting in an actual extension of term averaging 4 to 5 years. Hence, I propose that the term of the Barangay and SK officials should be extended to 6 years, permanently fixing their elections every May the year following the presidential elections,” pahayag ni Sen. Imee Marcos, Chairperson-Committee on Electoral Reforms and Peoples Participation.

Ang nasabing panukala na isinusulong ni Sen. Marcos sa Senado ay umani ng suporta mula sa League of the Municipalities of the Philippines.

“Personally, I am in favor. May rason kasi tayo jan. Ako as a public official alam naman natin na nagkaroon tayo ng pandemya noong 2020 kung saan nagkaroon ng mga lockdowns. Sa panahong yaon, 2020, bumaba ang revenue collections natin, sa internal revenue allotment. Sa pangyayaring yon ang affected na budget for next year, na kung saan ang lahat ng LGUs ay baba kami for the whole internal revenue allotment,” ayon kay Mayor Daniel Boco, LMP President-Eastern Samar.

Paliwanag ng alkalde sana ay makarecover muna ang iba pang mga lugar mula sa calamity deficit dala ng pandemya bago magsagawa muli ng halalan.

Ipinunto rin nito bitin din ang termino ng mga SK and Barangay officials upang tuluyang maipatupad ang kanilang mga programa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter