Dubai, ipinagbawal ang pagpapalipad ng drone sa mga pampublikong parke

IPINAGBABAWAL ng Dubai ang pagpapalipad ng drone sa mga pampublikong parke.

Munisipalidad ng Dubai ipinagbawal ang pagpapalipad ng drone sa mga pampublikong parke.

Inanunsyo ito sa social media na ang paggamit at pagpapalipad ng drone sa mga pampublikong parke ay hindi na inaatasan pa.

Ito ay para narin maprotekahan ang kaligtasan at privacy ng mga bisita.

Noong taong 2020, naglabas ang kataas-taasan na si Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, Vice-President at Prime Minister ng United Arab Emirates (UAE) ng batas para sa regulasyon na namamahala sa aktibidad ng drone.

Ayon sa batas, nangangailangan ng lisensya mula sa Dubai Civil Aviation Authority ang lahat ng mga operasyon na nauugnay sa paggamit nito.

Papayagan lamang ang paggamit ng drone kung ito ay may kaugnayan sa government activities, commercial, scientic and reseacrch at leisure o mga aktibidad na tinukoy ng Dubai Civil Aviation Authority Managing Director.

Samantala, ang sinumang mayroong drone ay kinakailangang iparehistro ang gamit nito sa Dubai Civil Aviation Authority.

Ang pagkuha ng litrato, pag-rekord o ang paggamit ng remote equipment upang labagin ang kalayaan at privacy ng isang indibidwal o pamilya pati na rin ang mga kagamitan sa pagkuha ng larawan, buildings at sa mga restricted at pribadong lugar ng walang autoridad ng nasasakupan.

Ang pag-install ng kagamitan upang mangolekta ng impormasyon at data nang iligal ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

Mabigat na parusa, kasama na ang pagkabilanggo at multa ay maaaring ipataw sa sinumang lumabag sa paggamit ng drone.

Ayon sa batas sa Dubai ang sinumang gumagamit ng drone ay dapat gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maiwasan ang paglabag sa privacy ng mga indibidwal.

Samantala, ang paggamit at pagpapalipad ng drone ay maituturing na isa sa mga tanyag na libangan ng mga residente ng Dubai, UAE.

Ginamit ang mga drone upang magtanim ng 10,000 Ghaf tress sa Green Belt ng Mleiha Desert ng Sharjah noong Martes.

 

(BASAHIN: Medical science clinic para sa reverse human aging, bubuksan sa Dubai)

SMNI NEWS