AMINADO ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naantala ang ilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo kasabay ng isinagawang pagkakabit ng cooling fan ng uninterruptible power supply (UPS).
Una nang naglabas ang CAAP ng notice to airman (NOTAM) sa mga concerned airlines na magsasagawa ng replacement ng blower sa 2nd UPS kung saan inaasahan na magkakaroon ng flight adjustment.
Sa ngayon ayon sa CAAP, nasa kondisyon na ang 2 UPS matapos itong palitan ng cooling blower para umandar ito nang maayos.
Layon din nito na mananatiling normal ang back-up ng Communications, Navigation, Surveillance System for Air Traffic Management facility (CNS-ATM).