Pagpaparehistro ng e-tricycles, e-bikes, sinuspinde ng LTO

Pagpaparehistro ng e-tricycles, e-bikes, sinuspinde ng LTO

SINUSPINDE na muna ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpaparehistro ng electric tricycles at e-bikes.

Ibig sabihin, mapapahintulutan na muna na bumiyahe ang mga ito sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila kahit hindi pa rehistrado.

Kung matatandaan ay ipinagbabawal na ang mga ito na bumiyahe halimbawa sa EDSA simula Abril 15 dahil hindi ito ligtas para sa kanila.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P2,500 at kung hindi rehistrado o walang maipakitang lisensiya ang nagmamaneho ay kukumpiskahin at mai-impound ang mga unit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble