Pagpapasara ng mga open dumpsites sa CALABARZON region, sinimulan na

SINIMULAN na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa CALABARZON ang pagpapasara sa mga open dumpsites sa rehiyon.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni DENR Sec. Roy Cimatu na ipasara ang mga open dumpsites sa buong bansa bago sumapit ang Marso.

Noong nakaraang buwan, 2 open dumpsites ang hinainan ng cease and desist order (CDO) ng ahensiya sa Batangas at isa sa Cavite.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pag-iikot ng DENR-CALABARZON upang paigtingin ang pakikipagtulungan ng ahensiya sa mga lokal na pamahalaan sa lungsod para sa mas mahigpit na implementasyon ng hakbang.

Ang naturang pagpapasara ay dahil na rin sa paglabag sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o kawalan ng maayos na proseso sa pagpamamahala ng mga idinedepositong basura.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *