Pagpapasara sa isang Immigration consulting agency sa Makati, ipinag-utos ni Sec. Ople

Pagpapasara sa isang Immigration consulting agency sa Makati, ipinag-utos ni Sec. Ople

IPINASARA ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang isang illegal recruitment agency sa Makati City ngayong Martes, Oktubre 11, 2022.

Mismo si Ople ang nanguna sa pagpapasara sa K-Monster Consulting Company.

Ayon kay Ople, nagre-recruit ang agency ng mga nais magtrabaho abroad partikular na sa South Korea kapalit ang hanggang P200,000 na placement fee kada aplikante.

Sa kasalukuyan, tanging ang pamahalaan lamang ang pinapayagan na magdeploy sa nasabing bansa.

Siniguro naman ni Ople na mas paiigtingin pa nila ang pagpapasara sa mga illegal recruitment agency na nambibiktima sa mga Pilipinong nais makipagsapalaran sa ibang bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter