Pagpapasuri ng mga ‘VIP’ sa RITM hinggil sa COVID-19, kinumpirma ni Sec. Duque

ILANG mga prominenteng personalidad ang nagdirect request sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para masuri sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Duque, ang ilang personalidad na tinukoy nitong very important person (VIP) ay naabot ang initial criteria ng Department of Health (DOH) para sa testing sa RITM.

Aniya, bago binago ng DOH ang kanilang testing guidelines noong March 16, ang mga nagpapakita ng mild flu-like symptoms, may travel sa mga lugar na may local transmission at contact sa pasyente ay pinapayagang masuri.

Sinabi ni Duque na ang karamihan sa mga senador ay sinuri matapos ma-exposed sa mag-asawang nagpositibo sa COVID-19 na naging resource person sa pagdinig sa Senado.

Kahapon nang sinabi ng DOH na walang VIP sa COVID-19 testing pero aminado ang kagawaran na nagbigay “courtesy” sa mga opisyal na sangkot sa national security at public health.

Matatandaang umani ng batikos mula sa publiko ang pagpapatest sa COVID-19 ng mga politiko kahit walang sintomas ng virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.