Pagpapatawad sa mga rebelde, isinusulong sa kamara

Pagpapatawad sa mga rebelde o Amnestiya sa mga rebelde, isinusulong sa kamara. Isinusulong ngayon sa kamara ang  amnestiya sa mga nakakulong na miyembro ng mga rebeldeng grupo.

Ang pagpapatawad sa mga rebelde sa resolusyong inihain ni House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez, nais nitong mabigyan ng amnestiya ang mga miyembro ng mga grupong Moro Islamic Liberation Front, rebolusyunaryong partido ng manggagawa ng pilipinas, Revolutionary Proletarian Army, Alex Boncayao Brigade at ang Communist Terrorist Groups.

Kasama rin sa naghain ng resolusyon sina Speaker Lord Allan Velasco at House Minority Leader at abang lingkod Pary-list Rep. Jospeh Stephen Paduano.

Ayon kay Romualdez, bahagi ito ng pagsuporta ng kamara kay pangulong Rodrigo Duterte at sa pagpapanatili sa kapayapaan at katatagan ng bansa.

Gayunman, nilinaw ni Romualdez na hindi kasama sa amnestiya ang mga paglabag o kaso ng massacre, rape, ransom, terorismo, at iba pang krimen gaya ng genocide, war crimes, torture at mga paglabag sa karapatang pantao.

Mabibigyan lang aniya ang amnestiya ang mga krimen na ginawa dahil sa pagsusulong ng kanilang paniniwalang politikal tulad ng pagsasagawa sa mga plano, programa o estratehiya ng mga rebeldeng liderato para ipabagsak ang gobyerno na ginamitan o hindi ginagamitan ng mga armas.

Lilikha din ang kongreso ng isang Amnesty Commission para rebyuhin ang mga aplikasyon para sa amnestiya.

Ang Amnestiya ay ganap na pagpapatawad o paggagawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga maysala sa pamahalaan.

SMNI NEWS