Pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers, suportado ng DepEd

Pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers, suportado ng DepEd

SUPORTADO ng Department of Education (DepEd) ang panukala ng DSWD at DPWH ang pagpapatayo ng mga permanenteng evacuation center.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na malaking tulong ang pagpapatayo ng mga permanenteng evacuation site upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Dagdag ni Poa na ang nasabing mungkahi ay nakalinya sa Department Order 37 ng kagawaran.

Sinasabi sa naturang department order na pumapayag lamang ang DepEd na gamitin ang mga eskwelahan bilang evacuation site sa loob lamang ng 15 araw.

Batay sa datos ng DepEd umabot sa 561 na paaralan ang ginamit bilang evacuation centers ng mga apektadong pamilya ng Bagyong Karding.

Sa nasabing bilang ng mga paaralan, 92 na lamang ang kasalukuyang ginagamit.

 

Follow SMNI News on Twitter