Pagpapatigil sa service recognition incentives ng mga pulis, fake news—PNP

Pagpapatigil sa service recognition incentives ng mga pulis, fake news—PNP

INALMAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na memorandum sa social media kaugnay sa diumano’y pagkansela sa pamamahagi ng Service Recognition Incentive (SRI) ng mga pulis para sa 2024.

Ayon sa PNP, fake news ang nasabing larawan.

Sa katunayan anila, kasalukuyan nang pinoproseso ng PNP Finance Service ang SRI ng mga pulis katuwang ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) upang maipamahagi na ito agad sa mga kuwalipikadong tauhan ng PNP ngayong taon.

Kasabay rito ang paalala sa mga pulis na huwag agad maniwala sa mga ‘di kumpormadong report o impormasyon sa online para sirain ang integridad ng kanilang hanay.

Agad naman iniutos ang malalimang imbestigasyon sa isyu para papanagutin ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble