Pagpapatuloy sa quarrying activities sa Bulacan, pinag-aaralan na

Pagpapatuloy sa quarrying activities sa Bulacan, pinag-aaralan na

MALAKING tulong na pinahinto ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang quarrying activities sa Bulacan isang buwan na ang nakalipas.

Ayon kay San Miguel, Bulacan Mayor Roderick Tiongson sa panayam ng SMNI News, ito ang dahilan sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ng probinsya kung ipagpapatuloy pa ba ang quarrying activities sa Bulacan lalong-lalo na sa kanilang lugar.

Samantala, itinuring ni Mayor Tiongson na pinakamalalang pagbaha sa San Miguel ang naidulot ni Bagyong Karding.

Kung dati aniya ay 24 barangay lang ang madalas na naaapektuhan, ngunit ngayon ay umabot na sa 47 na barangay ang nalubog sa baha.

Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), limang rescuers ang nasawi sa San Miguel, Bulacan.

Follow SMNI NEWS in Twitter