MAS pagsisikapan pa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang implementasyon ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) at maging ang Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) Urban Development Project.
Ayon kay DHSUD Sec. Jose Rizalino Acuzar, nasa 45 proyekto sa ilalim ng 4PH ay kasalukuyang itinatayo sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Mahigit 200 memoranda of understanding na rin ang nilagdaan sa pagitan ng local government units at pribadong sektor bilang pakikiisa sa programa.
Samantala, ang PBBM project ay tinatayang matatapos sa loob ng tatlo hanggang limang taon matapos inagurahan ang 200-meter showcase area nito noong Enero.