PINURI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang komprehensibong ordinansa laban sa paninigarilyo ng summer capital sa Baguio.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong at Anti-Smoking Task Force Chairman, na ang kanyang administrasyon ay patuloy na mahigpit na ipatutupad ang anti-smoking ordinance ng lungsod “nang walang takot o pabor” habang patuloy nitong inuuna ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente.
Ani Magalong, ang Baguio Smoke-Free Ordinance ay nagbabawal sa paggamit, pagbebenta, pamamahagi, at pag-advertise ng mga sigarilyo at iba pang produktong tabako sa ilang lugar at pagpapataw ng parusa para sa mga lalabag.
Samantala hinimok ni Abalos ang iba pang mga local government units na gamitin ang epektibong hakbang para sa pagpapatupad ng anti-smoking ordinance sa buong bansa.