Pagpapatupad ng batas kontra droga ng PNP, mahina—Atty. Panelo

Pagpapatupad ng batas kontra droga ng PNP, mahina—Atty. Panelo

NAGING maluwag ang pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na droga sa loob ng organisasyon ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang naging komento ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa kaniyang programa sa SMNI News.

Kasunod ito nang punahin ng isang mambabatas ang pagkakakumpiska ng malaking halaga ng droga sa isang pulis kaysa sa mga nakukuha sa mga Chinese drug lord sa bansa.

Giit ni Panelo, dapat suriin ang hanay ng PNP maging ang estilo ng pamamahala ng kasalukuyang namumuno sa organisasyon.

Iminungkahi rin ni Panelo na tularan na lamang ang estilo ng pamamahala ng dating administrasyong Duterte sa mga pulis laban sa iligal na droga.

Hinamon din ni Panelo ang bagong talagang si PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na maging makatotohanan sa kaniyang mga salita.

Mababatid na una nang hinamon ni Sen. Ramon Revilla ang bagong PNP chief na linisin ang kanilang hanay ang mga pulis na nasasangkot sa mga krimen partikular na sa Negros Oriental killings at sa shabu cover-up noong 2022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter