Pagpapaturok ng COVID vaccine ng PSG hindi masama —Sen. Gatchalian

WALANG nakikitang masama si Senator Sherwin Gatchalian sa ginawang pagpapabukana ng Presidential Security Group o PSG gayong maituturing aniyang mga frontliners ang mga ito.

Dahil aniya trabaho nilang protektahan ang Pangulo na siyang highest official o isa sa mga pinakaimportanteng tao sa bansa ay kailangan lang aniyang protektado ang mga ito sa COVID-19.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, ang isyu lamang  rito ngayon ay ang smuggling lalo na’t hindi naman aniya aprubado sa FDA ang ginamit na bakuna ng PSG.

Maaaring magresulta umano ito sa pagkakasakit o kamatayan dahil sa smuggled ang bakuna.

At kapag nangyari daw ito ay baka lalong bumaba ang confidence o kumpyansa ng publiko sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Batay sa survey mula sa OCTA Research Team, ay isa lamang sa mga apat na respondents mula sa Metro Manila ang willing na malapatan ng bakuna.

Samantala. sisimulan naman ng Senado ang pagdinig patungkol sa vaccination program ng pamahalaan sa susunod na linggo araw ng Lunes.

Samantala, nakatakda ngayong araw ang pag-file ni Sen. Gatchalian ng kaniyang affidavit patungkol sa pagkaka-hack ng kaniyang credit card sa tanggapan ng NBI.

Matatandaan na kahapon ay ipinaalam ng senador ang pagkaka-hack ng kaniyang credit card na kung saan ay nakapagsagawa ng apat na transaction ang hacker sa Food Panda na nagkakahalaga ng P1-M.

Hindi naman aniya malayo na baka inside job ang nangyari at kailangan daw aniya na agad na maimbestigahan ito ngayon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.