BUKOD sa mga magagandang beach sa Pilipinas, isa rin sa tututukan ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapaunlad ng eco-tourism mga bansa.
Ito ang ibinahagi ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Huwebes, Pebrero 23.
Ani Frasco, ang eco-tourism ay isang paraan upang ma-engganyo ang komunidad na paunlarin ang turismo sa kanilang lokal na komunidad.
“Eco-tourism in particular is very important to us in a sense this really a way by which we can full develop community tourism na ma-involve ang mga tao didto sa pagdevelop sa kanilang tourism destination,” ani DOT Sec. Christina Garcia-Frasco.
Philippine Experience Program, ibinida ni Tourism Sec. Frasco
Hangad din ng DOT na makilala ang iba pang lugar sa bansa na hindi pa tanyag sa pamamagitan ng Philippine Experience Tourism Program.
Ang programang ito ng DOT ay isang cultural, heritage at arts caravan kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga dayuhan at lokal na turista na bumisita sa mga sikat na destinasyon sa bansa gayundin sa mga lugar na hindi pa gaanong kilala upang maipakita ang ganda ng bawat sulok ng Pilipinas.
“The Philippine Experience will allow us to give domestic and international tourist a window to heart and soul of Filipino. Ang ating mga pagkain, festivals, rituals and traditions our products sa atong kaigsuonan,” dagdag ni Sec. Frasco.
Nakatakdang ilunsad ang programang ito sa darating na Abril at inaasahan na magbubukas ito ng maraming oportunidad para sa ating bansa.
Pastor Apollo C. Quiboloy, planong magtayo ng cultural center para sa IPs
Samantala, ibinahagi rin ni Pastor Apollo na plano nitong magtayo ng cultural center na magpapakita sa kultura at kaugalian ng mga katutubo o Indigenous people (IP).
“Ang aming plano is to put up cultural center that showcase cultural, rituals, values of IPs,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Ikinatuwa naman ito ng kalihim ng Turismo at pinuri ang adbokasiya ng butihing Pastor para sa mga indigenous people.
“Salamat Pastor nindut imong adbokasiya. The indigenous people are the gate keepers of our identity as Filipinos,” ayon pa kay Frasco.
Sa huli, ibinahagi ni Frasco na nakikipagtulungan na ang DOT sa Tourism Promotion Board para tulungan ang mga IP na mapaunlad ang kanilang produkto gaya ng paghahabi upang makilala rin hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.