PINAMAMADALI na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagpasa ng House Bill No. 10800 (2025 General Appropriations Bill).
Sa kaniyang liham para sa Kamara, binigyang-diin ng pangulo na ang maagang pagpasa ng 2025 national budget ay makatutulong tungo sa mas mabisang pagpapatupad ng tungkulin ng gobyerno sa bansa.
Mainam din ito para matutugunan ng pamahalaan ang anumang hindi inaasahang hamon.
Ang panukalang budget para sa 2025 ay nasa P6.4T.